Siege of Baler

Siege of Baler o Pagkubkob sa Baler 

Nagsimula ang tinaguriang Siege of Baler sa kasagsagan ng rebolusyon laban sa mga Espanyol noong 1898. Sa panahong ito ay magkakampi ang mga Pilipino at Amerikano dahil sa pagsiklab ng Digmaang Espanyol-Amerikano. Ginawang kuta ng nasa 50 sundalong Espanyol ang simbahan ng San Luis Obispo de Tolosa sa Baler, Aurora sa loob ng 337 araw. Hindi sila naniwala na natalo na ang Espanya sa digmaan at naibenta na ang Pilipinas sa mga Amerikano noong Disyembre 1898 sa pamamagitan ng Treaty of Paris. Hindi tumigil ang mga Pilipino sa pagsalakay sa simbahan ngunit hindi sumuko ang mga Espanyol kahit ilan sa kanila ay namatay na sa sakit at sa mga natamong sugat. Unti unti rin naubos ang mga suplay nila ng pagkain at napilitang kumain ng mga aso, pusa, daga at iba pang hayop. Nagsagawa ang mga Pilipino ng kapistahan sa labas ng simbahan upang takamin ang mga Espanyol at mapilitang sumuko. May mga balita pa na umarkila ang mga Pilipino ng dalawang magtatalik sa harap ng simbahan upang lalong takamin ang mga Espanyol. Nang sumiklab ang digmaang Pilipino-Amerikano ay tinangka ng mga Amerikano na iligtas ang mga Espanyol na ito ngunit napigilan ito ng mga rebolusyonaryong Pilipino. At noong ika-2 ng Hunyo, 1899 ay tuluyan nang sumuko ang mga Espanyol matapos mabasa ng kasalukuyan nilang pinuno na si Saturnino Martin Cerezo ang isang pahayagan na dinala ng kapwa Espanyol na si Lt.Col. Cristobal Aguilar. Nabasa niya dito ang isang arikulo tungkol sa plano ng kanyang kaibigan na siya lamang ang nkakaalam. Dahil dito ay tuluyan nang napaniwala ang mga Espanyol na tapos na nga ang digmaan. Nasa 33 lamang ang nakalabas nang buhay sa simbahan matapos sumuko at pag-uwi sa Espanya ay tinuring na mga bayani at binigyan ng mga parangal. 

Sa Ika-30 ng Hunyo ay ipinagdiriwang ang Araw ng Pagkakaibigang Pilipino-Espanyol o Philippine-Spanish Friendship Day dahil sa araw na ito noong 1899 ay naglabas ng kautusan si Heneral Emilio Aguinaldo na ituring na kaibigan ang mga sumukong Espanyol at tiyakin ang kanilang kaligtasan.
siege of baler
Ang mga huling Espanyol na sumuko sa mga Pilipino sa Baler matapos makabalik sa Barcelona, Spain.


siege of baler
Ang mga rebolusyonaryong Pilipino na lumaban sa pwersang Espanyol sa Baler sa pamumuno ni Simon ni Tecson


siege of baler
Ang paglalarawan sa Simbahan ng San Luis Obispo de Tolosa sa kasagsagan ng Siege of Baler
siege of baler
Ang huling pinuno ng pwersang Espanyol sa Baler na si Martin Cerezo


siege of baler

Ang unang pinuno ng pwersang Espanyol na si Enrique delas Morenas. Namatay siya sa loob ng simbahan pagkatapos ng ilang buwan

siege of baler
Ang barko ng Amerika na USS Yorktown na nagtangkang iligtas ang mga Espanyol sa Baler


siege of baler
Ang Simbahan ng San Luis Obispo de Tolosa sa Baler

siege of baler

Ang kasalukuyang hitsura ng Simbahan ng San Luis Obispo de Tolosa sa Baler



Movie adaptation: Our Last Men in the Philippines


How to Cite This Web Page

Villena, Daryll. "Siege of Baler". Accessed [put the date when you accessed this page]. Available from http://www.storytellingphilippines.com/2020/0/siege-of-baler.html


* The above retold story is based on...


History by JM Pacios. Philippine History and Trivia Page. July 1, 2020. https://www.facebook.com/groups/2339735859593568/permalink/2755814874652329/



Retold Stories Copyright


By Storytelling Philippines

Get instant updates from storytelllingphilippines.com on:
Storytelling Philippines
Write us at storytellingphilippines(@)gmail(dot)com

If you find this post helpful and informative, feel free to SHARE it.
Storytelling Philippines on Facebook | https://www.facebook.com/StorytellingPhilippines

We’d love to know what you think about this post. Feel free to leave your comment.
We do reply to each of your messages or questions so please come back if you’ve left one.

Credits: All media The story featured may in some cases have been created by an independent third party and may not always represent the views of the institutions, listed below, who have supplied the content.

Comments