Ang Alamat ng Araw, Buwan at mga Bituin (The Legend of the Sun, Moon and Stars)
By Storytelling Philippines
Filipino Folklore
Filipino Folk Tale
Philippine Legend Stories
Philippine Folk Stories
Bakit mainit ang haring araw? Bakit maganda ang buwan at mga bituin? Saan sila nagmula? Ayon sa kwento ni Impong Tasyo ganito sila nagsimula.Noong unang panahon, malapit ang langit sa lupa. Nag-iisang lalaki at nag-iisang babae ang nakatira sa mundo. Ang pagtatanim ng palay ang kanilang ikinabubuhay. Noon, binabayo nila ang palay bago magsaing. Kung ano ang hirap ng pagtatanim ay ganoon din ang hirap ng pagbabayo ng palay.
Minsan, maaga umalis ng bahay ang lalaki upang magtanim ng palay. Naiwang mag-isa ang babae sa bahay. Upang hindi tanghaliin sa pagsasaing, naghanda ang babae ng pagbabay o ng palay. Inalis muna ng babae ang kaniyang kuwintas at suklay, isinabit nya ang mga ito sa kalapit na punongkahoy. Nakita rin ng babae na wala ng gatong ang apoy sa tabi ng punongkahoy. Upang hindi mamatay, nanguha siya ng kahoy at kanya itong ginatungan. Saka pa lamang siya nakapagsimulang magbayo ng palay.
Nagbabayo pa ng babae nang dumating ang lalaki. Upang maging madali ang pagbabayo, tinulungan ng lalaki ang babae. Napansin ng lalaki a maliit ang halong ginagamiy niya kaya mahina itong ibayo. Pinalitan nya ito nang higit na malaking halo.
Sa tuwing itataas ng lalaki ang halo, tumatama ito sa langit. Tumawag at nanalangin ang lalaki kay Bathala. “Tumaas sana ang langit!”
Sa isang iglap, umugong ng malakas. Tumaas ang langit. Nadala sa pagtaas ng langit ang suklay at kuwintas ng babae. Nadala rin ang palayok at ang apoy na nasa tabi ng puno. Ang suklay ay nagging biyak na buwan. Ang mga butyl ng kuwintas ay nagging bituin. Ang palayok ay nagging bilog na buwan at nagging araw naman ang nagliliyab na apoy.
Ngayon ang mga ito ay makikita natin sa langit. Kapag madilim ang gabi, kumikislap ang mga bituin at maaalala nating ang butyl ng kuwintas ng babae. Sa pagbilog at pagliit ng buwan maaalala naman natin ang suklay at palayok ng babae. Sa pagsikat ng araw tuwing umaga ay maaalala naman natin ang nagliliyab na apoy na nakasama sa pagtaas ng langit.
How to Cite This Web Page
Villena, Daryll. "Ang Alamat ng Araw, Buwan at mga Bituin (The Legend of the Sun, Moon and Stars)." Accessed [put the date when you accessed this page]. Available from http://www.storytellingphilippines.com/2015/06/filipino-folklore-ang-alamat-ng-araw-buwan-at-mga-bituin.html
* The above retold story is based on...
stories passed from generation to generation.
Anna Adriano, ed. Alamat at iba pang mga Kuwento. (Valenzuela City, SGE Publishing Inc.), 8
Retold Stories Copyright
Get instant updates from storytellingphilippines.com on:
Storytelling Philippines
Write us at storytellingphilippines(@)gmail(dot)com
If you find this post helpful and informative, feel free to SHARE it.
Storytelling Philippines on Facebook | https://www.facebook.com/StorytellingPhilippines
We’d love to know what you think about this post. Feel free to leave your comment.
We do reply to each of your messages or questions so please come back if you’ve left one.
Comments