Ang Alamat ng Bataan

Ang Alamat ng Bataan

ang alamat ng bataan
Image credit: J. Guevarra

Ayon sa mga halos nagkakaparehong kuwento nina Victor de Leon, Mauricio Q. Pizarro at Rev. Fr. Wilfredo C. Paguio, may tatlo umanong bersyon kung bakit tinawag na “Bataan” ang Bataan.

Unang bersyon
Ang pangalan ng Bataan ang nanggaling umano sa salitang “Vatan” na pangalan ng isang sinaunang “datu” na naghari sa lalawigan noong hindi pa dumarating ang mga Kastila sa Pilipinas. Binanggit pa sa “Balik-Tanaw” na kilala na ang lalawigan sa gayong pangalan noong tumapak sa lalawigan si Padre Sebastian de Baesa noong 1578.”

Ikalawang bersyon
Nanggaling umano ang pangalan ng Bataan sa salitang “Bata.” May tatlo umano itong kahulugan sa salitang Kastila: Bata (Nino); Muchacho (Utusan); at Rapaz (Mersenaryo).

Ang salitang ‘Bata’ ay kasingkahulugan daw ng pagiging isang bagong probinsya ng Bataan matapos itong mahiwalay sa Pampanga noong 1754. Ang ‘Muchacho’ umano ay ang tawag sa may 3,500 Moro na naging “katulong” ng mga Kastila at PampagueƱo sa paglilinang sa kapatagan ng Bataan noong araw, batay sa ulat ni Gobernador-Heneral Manuel Arandia noong 1754 (taon na natatag ang Bataan bilang isang malaya at regular na probinsya); at ang salitang ‘Rapaz’ ay mga mersenaryo, o upahang mandirigma, na lumaban sa mga pirata na nanalakay sa Bataan noong araw.

Ikatlong bersyon
Ang pangalan ng Bataan ay hinango umano sa salitang Tagalog na “Butaan,” na ang kahulugan sa Inglis ay “monitor lizard.”Ang hayop na ito ay mas kilala ng mga Pilipino sa tawag na ‘bayawak’. Dati-rati umano ay nagkalat ang mga bayawak sa Bataan. Ang nasabing hayop ay makikita pa rin hanggang sa ngayon sa mga bulubundukin ng Bataan at Zambales, Bicol Region, Laguna at Rizal.


How to Cite This Web Page
Villena, Daryll. "Ang Alamat ng Bataan". Accessed [put the date when you accessed this page]. Available from http://www.storytellingphilippines.com/2019/04/and-alamat-ng-bataan.html

* The above retold story is based on...

Bataan Weather Page. March 2, 2016. https://www.facebook.com/BataanWeatherPage/photos/a.365298243045/10153821728943046/?type=3&theater


Retold Stories Copyright



By Storytelling Philippines

Get instant updates from storytelllingphilippines.com on:
Storytelling Philippines
Write us at storytellingphilippines(@)gmail(dot)com

If you find this post helpful and informative, feel free to SHARE it.
Storytelling Philippines on Facebook | https://www.facebook.com/StorytellingPhilippines

We’d love to know what you think about this post. Feel free to leave your comment.
We do reply to each of your messages or questions so please come back if you’ve left one.

Comments