Sari-saring Kwento ni Pepe - Sa Panulat at Direksyon ni Michael Pangcoy

Sari-saring Kwento ni Pepe - Sa Panulat at Direksyon ni Michael Pangcoy
Retold by Drei Villena for Storytelling Philippines







Ang dula-dulaang “Sari-saring Kwento ni Pepe” ay aking napanood noong Agosto 12, 2017
Cinema 4 Ever Gotesco Commonwealth, Quezon City sa tulong ng DepEd and Philippine Mobile Music and Theater Productions Co. Ito ay bahagi ng programa ng DepEd para sa mga Pilipinong mag-aaral. Bahagi din ito ng selebrasyon ng Buwan ng Wika.

Ito ay aking ikukuwento batay saking napanood.

Ang dula-dulaang Sari-saring Kwento ni Pepe ay naganap sa kagubatan ng bundok ng Makiling.
Sari-saring Kwento ni Pepe - Sa Panulat at Direksyon ni Michael Pangcoy

Nagpakilala sa sarili si Gatdula at tinawag ang kanyang mga kaibigan. Nagbigay sila ng mga
halimbawa ng mga mabuting gawain katulad ng pagtulong sa paglinis ng bahay at paggawa ng mga takdang aralin. Umawit sila upang tawagin si Maria Makiling. Nakausap nila si Maria Makiling at dito ibinahagi ni Maria Makiling ang isang masamang balita na ninakaw ni Lakanggaman ang aklat ng mga alamat at kwento. Hindi pumayag si Lakanggaman na isauli ang aklat ng mg alamat at kwento ngunit ito ay sumang-ayon na bigyan ng pagkakataonsi Gatdula na makuha muli ang aklat sa isang kondisyon, kailang nya maglakbay sa mga Kwento ni Pagong at Matsing at Ang Batang Gamu-gamu. Ang paglalakbay ay upang makuha ang dalawang susi at ang mga gintong aral. Ngunit kailangan ni Gatdula na makuha ang mga ito at makabalik sya sa loob ng limang ara.

Sumang-ayon si Gatdula. Naghihintay naman si Bulogtong, nais ni Bulogtong magbigay kay Gatdula ng isang mahirap na bugtong upang maantala at hindi makapunta si Gatdula sa Kwento ni Pagong at Matsing.

Nang nakarating si Gatdula sa pinaroroonan ni Bulogtong, itinanong ni Bulogtong ang bugtong “Minsan mahina, minsan malakas, hindi mo nakikita.”
Nag-isip ng malalim si Gatdula at sinabi na ang tamang sagot ay “hangin.”
“Tama ang sagot mo!” ang sabi ni Bulogtong. Pinayagan ni Bulogtong si Gatdula na maglakbay patungo sa sa mga Kwento ni Pagong at Matsing.
Narating din ni Gatdula ang mga Kwento ni Pagong at Matsing. Napag-alaman ni Lakanggaman na nakarating si Gatdula sa mga Kwento ni Pagong at Matsing, pinagalitan nito si Bulogtong “Sa susunod dapat bigyan mo siya ng pinakamahirap na bugtong!”

Torting at Matsya
Sari-saring Kwento ni Pepe - Sa Panulat at Direksyon ni Michael Pangcoy
Image credit: The Children’s Ark Preparatory School

Nakilala ni Gatdula sina Torting at Matsya, nagsimulang mag-away ang dalawa tungkol sa puno ng saging. Nais ni Matsya na sa kanya ang itaas na parte ng puno at kay Torting ang ibabang parte. Biglang may lumabas na dalawang puno. Ang dalawang puno ay aalagaan nila bawat isa. Pagdating ni Matsya sa kanyang puno ay patay na ang kanyang puno. Naisipan nya na gawa ito ni Torting. Pumunta siya kung nasaan ang puno ng saging ni Torting. Ito ay inalagaan ng husto ni Torting, ngunit balak ni Torting humingi ng tulong kay Matsa para pumitas ng saging dahil hindi niya ito abot. Nagkita ang dalawa, pinakiusapan ni Torting si Matsya kung maari siyang tulingan pumitas ng saging dahil tanging si Matsya lang ang may kakayahan umakyat ng puno. Naisip ni Matsya na pumitas ng saging sa puno ni Torting para sa pansarili nya at hindi ito ibibigay kay Torting. Umakyat si Matsya sa puno at isa-isa niyang kinain ang saging. Hindi binigay kay Torting ang mga bunga. Naghintay ng matagal si Torting at nalaman nito na wala na ang mga bunga at lumikas na rin si Matsya.

Pinuntahan niya ito at kinausap “Matsya, baket mo kinain ang mga bunga ng puno ko?” Sagot ni Matsya “Dahil pinatay mo ng puno ko?”
Baket ko naman papatayin ang puno mo? Di ba nga aalagaan natin ang awat isa” ang sagot ni Torting.
“Sinungaling ka talaga Torting! Hindi ka pala isang totoong kaibigan.”
Pagkatapos ng kanilang away, balak ni Matsya mag-higanti muli kay Torting. Na-usap ulit sina Torting at Matsya.
”Bakit gusto mo ako makita? Hindi ba ayaw mo na ako maging kaibigan?
Sumagot si Matsya, ”Hindi ako narito para maging kaibigan mo muli. Nandito ako para gantihan kita.”
“Paano mo naman magagawa iyon?” sabi ni Torting.
”Tatadtarin kita hanggang maliliit na piraso ka, tapos ibebenta kita.”
”Hindi mo iyon magagawa sa akin.” Sagot ni Torting.
“Bakit naman?”
“Dahil itong aking likuran (shell) ay sobrang tigas na hindi mo ako matatadtad agad-agad.”


Naisip ni Matsya ang isa pang paraan para gantihan si Torting.
“Alam ko na! Susunugin kita para maging abo ka na lang.”
Mahinahong sumagot si Torting “Hindi mo din iyon magagawa.”
“Baket naman?” tanong ni Matsya.
“Dahil ang mga pagong ay hindi basta-basta nasusunog.”
Nag-isip na naman si Matsya, “alam ko na! Lulunurin kita sa ilog Dagupan para mawala kana!”
Sumagot si Torting “Ay huwag! Huwag mo yon gawin saakin sige na Matsya.”
Niyaya na sya ni Matsya “Halika na at lulunurin na kita.”
Nagulat si Mtsya ng nakita niya na hindi nalulunod si Torting kung ‘di lumalangoy siya. “Baket hindi ka nalulunod?” ang manghang tanong ni Matsya.
“Dahil ang mga pagong ay galling sa tubig at gusting-gusto ko lumangoy sa ilog!”
Inis na inis si Mtsya.

Nang biglaang nagpakita si Gatdula at sinabi “Alam ko na ang gintong aral sa kwento na ito. Ang panloloko sa kapwa ay nakasasakit.”
“Torting! Torting may tao! “Sino ka?” ang tanong ni Torting.
Nagpakilala si Gatdula “Ako si gatdula, sino naman kayo?”
“Ako si Torting. Siya naman si Matsya.”
“Matsya, hindi si Torting ang pumatay sa puno mo.” Ang paliwanag ni Gatdula.
“Eh di sino?” tanong ni Matsya.
“Ikaw mismo, dahil hindi mo dinidiligan ito at ang tanging ginawa mo ay kumain ng kumain ng bunga nito hanggang sa ito ay namatay.” And sabi ni Gatdula.
Humingi ng kapatawaran ni Matsya, “Pasensiya na Torting, pwede mo ba akong patawarin?”
“Sige ba! Kaibigan kita di ba?” ang masayang sagot ni Torting.
At nagtanong muli si Gatdula, “Pwede ba magtanong sa inyo? May nakita ba kayong susi dahil kailangan koi to.”
May pinakita si Torting “Maaring ito baa ng hinahanap mo?”
“Ito nga, salamat sa inyo” ang masayang sagot ni Gatdula.
“Alam ko na, sumama kaya tayo kay Gatdula.”
Pumayag si Gatdula “Sige? Mukhang maganda yan naisip mo! Halika na para makarating na tayo sa susunod kong pupuntahan.

Gatdula, Gamuya, at Gamuy
Sari-saring Kwento ni Pepe - Sa Panulat at Direksyon ni Michael Pangcoy
Image credit: The Children’s Ark Preparatory School
Si Gatdula ay papunta sa Kwento ng Batang Gamu-gamo. Nagkita muli si Gatdula at Bulogtong, ibinigay ng huli ang pangalawang bugtong “Minsa asul, minsan itim, kun saan-saan nakakarating.” Muli, nag-isip ng marahan si Gatdula at sinabi ang tamang kasagutan “Alam ko na ang sagot, ito ay ang mga mata!” “Tama ang sagot mo.” Ang pagsang-ayon ni Bulogtong at sya ay pinayagan na makapunta sa Kwento ng Batang Gamu-gamo. Kasama ni Gatdula sina Torting at Matsya. Napag-alaman muli ni Lakanggaman na nasa Kwento ng Batang Gamu-gamo sina Gatdula at ito ay nagalit.

Si Gamuy, ang batang gamu-gamo ay mahilig maglaro, ayaw pa niyang tumigil sa paglalaro. Tinawag ito ng ina na si Gamuya at pinayuhan na dapat ay makauwi na sila bago sumapit ang dilim. Nakita ni Gamuy ang isang magandang ilaw na palapit ng palapit sa kanilang kinaroroonan. Nagmamadali si Gamuya upang pigilan si Gamuy sa paglapit sa magandaw ilaw. “Baket po?” ang sabi ni Gamoy. Dahil ang magandang ilaw na iyon ay tinatawag na lampara, ang sino mang gamu-gamo na lumapit sa bagay na iyon ay maaring mapahamak.

Nagpakita at nagpakilala sina Gatdula, Torting, at Matsya kina Gamuya at Gamoy. Habang nag-uusap sina Gatdula at Gamuya, dali-daling lumabas si Gamuy at lumapit sa lampara. Palapi ng palapit si Gamuy hanggang sa nadakip ang apoy ang kanyang pakpak at ito’y nasunog. Nang makita ng ina ay mahinang-mahina na si Gamuy at tuluyan na itong namatay. Sa sobrang lungkot ni Gamuya dahil sa pagpanaw ni Gamuy nasabi nito “Walang magulang na gusto mapahamak ang anak.”

Nakuha ni Gatdula ang mga susi at ang gintong aral sa kwento, ito ay ang “sumunod sa magulang.” Nakabalik na si Gatdula ngunit tapos na ang limang araw. “Nakuha ko na ang mga susi at mga gintong aral. Ngayon ibalik mo na sa amin ang aklat ng alamat at kwento.” Ayaw ibalik ni Lakanggaman ang aklat. Naglaban sina Gatdula at Lakanggaman. Natalo si Lakanggaman ngunit ayaw pa din nya sumuko. Biglaang nagpakita si Jose Rizal at pinayuhan si Lakanggaman na hindi maaring gamitin ang aklat ng mga alamat at kwento na nilikha at igihunit niya para sa masamang gawain. Sumuko na si Lakanggaman at nangako na hindi na siya gagawa ng masama at tanging mabuting gawain ang laging tatandaan.

Sari-saring Kwento ni Pepe
Sa Panulat at Direksyon ni Michael Pangcoy
Philippine Mobile Music and Theater Productions Co.
Agosto 12, 2017
Cinema 4
Ever Gotesco Commonwealth, Quezon City

Contributor:
Drei Villena, a fifth-grade student from The Children’s Ark Preparatory School. She is an anime lover, loves to read, travel, cook, draw, and hopefully to advance playing the guitar.

***

How to Cite This Web Page
Villena, Drei. "Sari-saring Kwento ni Pepe - Sa Panulat at Direksyon ni Michael Pangcoy...". Accessed [put the date when you accessed this page]. Available from http://www.storytellingphilippines.com/2017/09/sari-saring-kwento-ni-pepe-sa-panulat.html

Original Story Copyright June 2017


Get instant updates from storytelllingphilippines.com on:
Storytelling Philippines
Write us at storytellingphilippines(@)gmail(dot)com

If you find this post helpful and informative, feel free to SHARE it.
Facebook & Instagram
We’d love to know what you think about this post. Feel free to leave your comment.
We do reply to each of your messages or questions so please come back if you’ve left one.

Comments